Free YouTube Transcribe

Video transcript

Pag-usbong ng mga Imperyalistang Bansa (AP 8, Term 2, Week 1) | NoypiTV

NoypiTV · 1,593 words · 8 min read

Want to search this transcript, jump the video from any line, or download it as TXT, SRT, or VTT?

Open in the transcript tool

Full transcript

0:00Magandang araw. Sa videong ito,

0:03pag-aaralan natin ang pag-usbong ng mga

0:06imperyalistang bansa.

0:09Aalamin natin kung bakit lumawak ang

0:11kapangyarihan ng iba't ibang bansa,

0:13anong mga teritoryo ang kanilang

0:15kinokontrol at paano naman tumugon ang

0:18mga mamamayang nasakop. makikita sa mapa

0:22ang mga rutang pandagat na nag-uugnay sa

0:24iba't ibang bahagi ng mundo. Pero hindi

0:27lamang ito kwento ng paglalakbay at

0:29kalakalan. Kasabay ng mga rutang ito ang

0:33paglawak ng kapangyarihang pampulitika,

0:36pang-ekonomiya at militar.

0:39Bago natin kilalanin ang mga bansang

0:41ito, alamin muna natin kung bakit nila

0:44gustong palawakin ang kanilang mga

0:46imperyo.

0:48May limang pangunahing dahilan kung

0:50bakit lumawak ang mga imperyo. Una,

0:53ekonomiya. Kailangan ng hilaw ng

0:56materyales at bagong pamilihan.

0:59Ikalawa, estratehiya.

1:02Mahalaga ang mga ruta ng kalakalan,

1:05daungan at base militar.

1:09Ikatlo, ideolohiya.

1:12May mga kanluraning naniniwalang

1:14nakahihigit ang kanilang kultura.

1:17Dito pumapasok ang tinatawag na white

1:20man's burden. Isang ideyang ginamit

1:23upang bigyang katuwiran ang pananakop.

1:26Tandaan, imperyalistang paniniwala ito.

1:30Hindi katotohanang may lahing likas na

1:33nakahihigit sa iba.

1:36Meron ding teknolohikal na kalamangan

1:39lalo na sa armas at paglalayag at

1:41kompetisyon para sa teritoryo at

1:44impluwensya.

1:46Ngayon, sino-sino naman ang mga bansang

1:48naging pangunahing imperyalistang

1:50kapangyarihan?

1:52Makikita sa mapa ang 10 bansang

1:55pagtutuunan natin. Britanya, France,

2:00Netherlands, Spain, Portugal, Germany,

2:05Russia, United States, Italy at Japan.

2:10Karamihan sa kanila ay mga bansang

2:12Europeo.

2:13Pero may dalawang mahalagang exception,

2:16ang United States at Japan. Ipinapakita

2:19nito na hindi lang Europe ang naging

2:22sentro ng Imperial Expansion.

2:25Habang lumalakas ang ibang bansa, sila

2:27rin ay nagsimulang magpalawak ng

2:29sariling kapangyarihan.

2:31Ngunit kahit pare-pareho silang

2:33imperyalista, hindi pare-pareho ang

2:36paraan nila ng pagkontrol.

2:38May iba't ibang anyo ang Imperial

2:41Control. Sa colonya, ang teritoryo ay

2:44nasa ilalim ng kapangyarihan ng dayuhang

2:46bangsa. Sa direct rule, mismong

2:49mananakop ang direktang namamahala sa

2:52gobyerno. Sa protectoret, may lokal na

2:55pinuno pa rin pero kontrolado ng dayuhan

2:58ang mahahalagang usapin. Samantala, sa

3:02sphere of influence, hindi kailangang

3:04sakupin ang buong bansa sapat na

3:07magkaroon ang dayuhang kapangyarihan ng

3:10espesyal na economic o political

3:12influence sa isang lugar. Mula rito,

3:15tatlong bagay ang lagi nating titignan.

3:18Motibo, teritoryo at paraan ng kontrol

3:22at tugon ng mga sinakop. Unahin natin

3:25ang isa sa pinakamalinaw na halimbawa ng

3:27direct rule, ang Britanya sa India.

3:31Mahalaga ang India sa Britanya dahil sa

3:34yaman, pamilihan, kalakalan at

3:37strategical na lokasyon nito. Matapos

3:40ang malaking pag-aalsa noong 1857,

3:42[musika]

3:44direktang pinamahalaan ng British crown

3:46ng India. Ito ang tinatawag na British

3:49ruge na nagsimula noong 1858.

3:53Kaya makikita natin ang malinaw na

3:55ugnayan. Britanya,

3:58India, direct rule.

4:01Pero hindi tahimik na tinanggap ng mga

4:03Indian ng pamamahalang ito. Nagkaroon ng

4:06paglaban at lumakas ang mga kilusang

4:08naghahangad ng sariling pamamahala.

4:12Sa France naman, makikita natin ang

4:14kombinasyon ng kolonya at protector

4:16[musika] rate. Sa Southeast Asia,

4:20napasailalim sa France ang mga

4:22teritoryong kabilang ngayon sa Vietnam,

4:24Cambodia at Laus.

4:27Ang kanilang motibo ay kalakalan,

4:29strategikong impluwensya at prestihyo.

4:33Hindi pare-pareho ang sistema sa buong

4:36French Indo China. May mga lugar na mas

4:39direktang kolonya at mayroon ding

4:41protectorate. At tulad ng India,

4:44nagkaroon ding dito ng mga kilusang

4:46antikolonial laban sa pamahalaang

4:49Prancis.

4:51Sa Maritime Southeast Asia naman,

4:53malakas ang naging impluwensya ng

4:55Netherlands.

4:57Ang Netherlands ay interesado sa

4:59pampalasa, kalakalan at likas na yaman

5:02ng East Indies na malaking bahagi ng

5:05kasalukuyang Indonesia. Nagsimula ang

5:08Dutch influence sa Kalakalan pero

5:11kalaunan ay lumawak ito tungo sa

5:13direktang colonial na control.

5:16Hindi rin ito basta tinanggap ng mga

5:18lokal na mamamayan. Isang halimbawa ang

5:21achi war. Isang matagal na armadong

5:24paglaban sa Dutch rule. Bago pa lumakas

5:28ang Netherlands, mayroon ng dalawang

5:30matagal ng maritime empires, Spain at

5:34Portugal.

5:35Para sa Spain, pinakamalapit sa atin ang

5:38halimbawa ng Pilipinas. Naging kolonya

5:41tayo ng Spain at kabilang sa mga

5:44sistemang ipinatupad noon ang Polo e

5:47Servbicios o sa pilitang paggawa para sa

5:50mga proyekto ng pamahalaang kolonyal.

5:53Ngunit hindi lamang pagtanggap ang

5:55naging tugo ng mga Pilipino, nagkaroon

5:58ng iba't ibang paglaban hanggang sa

6:00rebolusyong Pilipino. Ang Portugal naman

6:03ay nagkaroon ng mga teritoryo at

6:06himpilang pangkalakalan sa Goa, Macau at

6:09Timur.

6:10upang mapalakas ang kontrol nito sa

6:13mahahalagang rutang pandagat.

6:16Pagsapit ng huling bahagi ng ika na

6:19sidlo, may mga bagong bansang gustong

6:21makahabol sa pagkuha ng kolonya.

6:25Ang Scramble for Africa ay tumutukoy sa

6:28mabilis na pag-uunahan ng mga bansang

6:30europeo sa pagkuha ng mga kolonya sa

6:33Africa.

6:34>> [musika]

6:34>> Para sa Germany, mahalaga ang prestyo,

6:38pamilihan at pakikipagkompetensya sa

6:40ibang kapangyarihan.

6:42Nagkaroon ito ng mga kolonya sa Africa

6:45at Pacific at impluwensya rin sa China.

6:48[musika]

6:49Ang Italy naman ay nagpalawak sa Eritrea

6:51at Somalia at nagtangkang mapasailalim

6:54ang Ethiopia. Pero noong 1896 sa Battle

6:58of Adwa, pinalo ng Ethiopia ang Italy.

7:02Ipinapakita nito na hindi lahat ng

7:04pagtatangka ng mga imperial powers ay

7:07tagumpay. May isa pang imperyo na

7:09kakaiba ang expansion dahil higit itong

7:12lumawak sa lupa kaysa sa dagat.

7:16Hindi lahat ng imperial expansion ay

7:19nangangailangan ng pagtawid ng

7:21karagatan. Ang Russia ay lumawak

7:24patungong Central Asia dahil sa

7:27seguridad, estratehiya at kalakalan.

7:31Gumamit ito ng military conquest,

7:34pagsasanib ng teritoryo at protectorate

7:37arrangements.

7:39Makikita rin ang Buhara at Kiva bilang

7:43mga halimbawa ng mga lugar na

7:45napasailalim sa lumalawak na impluwensya

7:49ng Russia. At tulad ng ibang kaso,

7:52nagkaroon din ng paglaban mula sa mga

7:55lokal na kaharian at pangkat.

7:58Hindi lang Europe ang lumawak. Sa

8:01Pacific lumakas din ang United States.

8:05Noong 1898, matapos ang digmaan ng Spain

8:09at United States, isinuko ng Spain ang

8:12Pilipinas sa United States sa ilalim ng

8:16Treaty of Paris.

8:18Para sa United States, mahalaga ang

8:21Pilipinas bilang estratehikong lokasyon

8:24sa Pacific at bilang bahagi ng

8:27pagpapalawak ng kalakalan at

8:29impluwensya.

8:30Pero hindi ito tinanggap ng mga

8:33Pilipinong revolusyonaryo

8:35dahil dito sumiklab ang Philippine

8:39American War mula 1899 hanggang 1902.

8:44Kaya mahalagang tandaan, ang pagtatapos

8:47ng pamamahalang Espanyol ay hindi agad

8:51nangangahulugan ng ganap na kalayaan.

8:55Habang lumalawak ang United States,

8:58mabilis namang nagbabago ang Japan.

9:01Ang Japan ay isang mahalagang exception

9:05dahil isa itong bansang Asyano na

9:07mabilis na nagmodernisa at kalaunan ay

9:11naging imperial power din.

9:14Pinalakas nito ang hukbo, hukbong dagat,

9:17industriya at sentral na pamahalaan.

9:21Kasabay nito, lumawak ang Japan sa

9:24rehiyon. Nasakop nito ang Taiwan noong

9:271895

9:29at pormal na isinama ang Korea noong

9:321910.

9:34Sa Korea, lumakas ang resistance.

9:38Isang mahalagang halimbawa ang March 1st

9:41movement noong 1919.

9:44Isang kilusang humiling ng kalayaan mula

9:47sa Japanese rule.

9:49Sa China naman, ibang uri ng imperial

9:52control ang makikita natin.

9:55Hindi naging isang buong colonya ng

9:57iisang bansa ang China. Pero maraming

10:00foreign powers ang nagkaroon doon ng

10:03espesyal na pribilegyo.

10:06Ang sphere of influence ay lugar kung

10:09saan may espesyal na economic o

10:12political advantage ang isang dayuhang

10:15kapangyarihan.

10:16Ang extraitoriality naman ay nagbibigay

10:19sa ilang dayuhan ng karapatang masaklaw

10:21ng batas o korte ng sarili nilang bansa.

10:26Samantala, ang open door policy naman ay

10:29itinulak ng United States para magkaroon

10:33ng pantay na pagkakataon ang mga

10:36dayuhang bansa sa kalakalan sa China.

10:39Sa pagbing natin sa India, Pilipinas at

10:42China, mas makikita natin kung gaano

10:46kaiba ang anyon ng imperialism.

10:49Tatlong bansa, tatlong pattern ng

10:52imperial control. Sa India, ang Britanya

10:56ay nagpatupad ng direct rule o British

10:59Raj. Sa Pilipinas, magkakasunod na

11:03naging imperial powers ang Spain, United

11:06States at Japan. Sa magkakaibang panahon

11:10sa China, maraming bansa ang nagkaroon

11:13ng sphere of influence at iba pang

11:16espesyal na pribilehiyo.

11:19Kaya ang key idea dito ay simple pero

11:22mahalaga. Parehong imperyalism pero

11:25magkaiba ang paraan ng kontrol. At ano

11:29man ang paraan ng kontrol, may tugon ang

11:32mga sinakop. Hindi lamang mga biktima

11:36ang mga nasakop na lipunan. May tatlong

11:39karaniwang paraan ng pagtugon. Una,

11:42paglaban. Armadong pag-aalsa at

11:46pagtatanggol sa sariling lupain.

11:48Ikalawa, reporma o selfstrengthening.

11:51Pagpapalakas ng hukbo, edukasyon, agham

11:55at teknolohiya.

11:57Ikatlo, nasyonalismo. Pagbuo ng

12:00pagkakaisa at paghangad ng sariling

12:02pamamahala.

12:04Makikita natin ang mga tugong ito sa

12:06Pilipinas, Ache, Ethiopia, China, India

12:10at Korea.

12:12Sa China, isang malinaw na halimbawa ng

12:15reporma ang lumitaw pagkatapos ng opium

12:18mors. Ang pagkatalo ng China sa opiumors

12:21ay naglantad sa malaking agwat sa

12:23teknolohiya at military power.

12:27Dahil dito may mga reformistang chino na

12:30nagtulak ng self strengthening. Kasama

12:33rito ang mas modernong armas, mas

12:36malakas na hukbo at hukbong dagat at mas

12:39malaking pagtuon sa agham, teknolohiya

12:43at edukasyon.

12:45Hindi ito simpleng paggaya sa kanluran.

12:48Ang layunin ay palakasin ang China upang

12:51mas mahusay nitong maprotektahan ang

12:54sarili laban sa dayuhang panghihimasok.

12:58Pero sa kabuuan, ano ba ang naging

13:00epekto ng imperyalismo sa mga lipunan?

13:03Sa pulitika, maraming lokal na

13:05pamahalaan at pinuno ang nawalan

13:07[musika] o nabawasan ng sariling

13:09kapangyarihan.

13:11Sa ekonomiya, ang yaman, produksyon at

13:14kalakalan ay madalas na inayos upang

13:17pagsilbihan ang interest ng imperial

13:20powers.

13:21Sa kultura at lipunan, lumawak ang

13:24impluwensya ng dayuhang edukasyon, wika,

13:27[musika]

13:28relihiyon, batas at mga institusyon.

13:32Pero hindi ibig sabihin nito na basta

13:34nawala ang lokal na kultura, madalas ay

13:37nagkaroon ng paghalo, pagbabago at

13:40pagtutol.

13:41At mahalagang idagdag, may epekto rin sa

13:45mga bansang nanakop. Nakakuha sila ng

13:48resources, markets, [musika] strategic

13:51bases at prestige.

13:54Pero kailangan din nilang gumastos sa

13:56military at administration at lalong

13:59tumindi ang rivalry sa pagitan ng

14:01imperial powers.

14:04Kaya ang imperyalismo ay hindi lamang

14:06pagbabago ng teritoryo.

14:09Binago rin nito ang pulitika, ekonomiya,

14:12kultura at relasyon ng kapangyarihan ng

14:15parehong nanakop at sinakop.

14:19At dito nagtatapos ang ating aralin

14:21tungkol sa pag-usbong ng mga

14:23imperyalistang bansa. Kung nakatulong sa

14:26inyo ang videong ito, huwag kalimutang

14:28i-like, mag-subscribe at i-click ang

14:30notification bell para lagi kang updated

14:33sa mga susunod nating aralin. Hanggang

14:35sa muli. Maraming salamat sa inyong

14:37panonood.

Recently added transcripts

Browse the whole transcript library

This transcript was generated from the captions YouTube publishes for this video. Get the transcript of any YouTube video atfreeyoutubetranscribe.com, free, unlimited, no sign-up.