Free YouTube Transcribe

Video transcript

TERM 2-FILIPINO 9-WEEK 1: Kaligirang Pangkasaysayan: 1986 MULA EDSA HANGGANG SA BAGONG MILENYO

Teacher Coleen · 4,499 words · 21 min read

Want to search this transcript, jump the video from any line, or download it as TXT, SRT, or VTT?

Open in the transcript tool

Full transcript

0:14Magandang araw, Grade 9.

0:16>> [musika]

0:16>> Sa ating bagong aralin, maglalakbay tayo

0:19mula sa isang napakahalagang yugto ng

0:21kasaysayan ng Pilipinas ang taong 1986

0:26hanggang sa pagpasok natin sa bagong

0:29mileno. Ang ating paksa ay kaligirang

0:32pangkasaysayan ng panitikan noong 1986

0:35mula EDSA hanggang sa bagong mileno.

0:38Mahalagang tandaan na hindi hiwalay ang

0:41panitikan sa kasaysayan. Kapag nagbabago

0:44ang lipunan, nagbabago rin ang mga

0:46kwentong isinusulat, mga temang

0:49binibigyang diin at maging ang paraan ng

0:51pagpapahayag ng mga manunulat. Kaya sa

0:54araling ito, hindi lamang natin aalamin

0:57kung ano ang nangyari noong 1986.

1:00Susuriin din natin kung paano

1:02nakaimpluwensya ang mga pangyayaring

1:05iyon sa panitikang Pilipino.

1:08Bago tayo magsimula, tingnan muna natin

1:11ang tatlong pangunahing layunin ng ating

1:13paglalakbay. Una, makapagtatala tayo ng

1:17mahahalagang pangyayaring panlipunan

1:19noong 1986.

1:21Ikalawa, hihinuha natin ang ugnayan ng

1:24kalagayan ng lipunan at ng mga temang

1:26lumilitaw sa panitikan. At ikatlo, hindi

1:30lamang tayo aasa sa mga aklat. Susubukan

1:33din nating patunayan ang mga temang ito

1:36sa pamagitan ng panayam sa mga tao sa

1:39ating komunidad. Ibig sabihin, gagamit

1:42tayo ng kasaysayan, panitikan at

1:45karanasan ng tunay na tao. Habang

1:47sumusunod sa talakayan, lagi ninyong

1:50itanong. Kung ito ang nangyayari sa

1:52lipunan, ano kaya ang isusulat ng isang

1:55manunulat na nabubuhay sa panahong iyon?

1:59Ilang malikhaing pagkalahat, isipin

2:00ninyong gagawa kayo ng isang Facebook

2:02post. Sumulat ng maikling pahayag na

2:04naglalaman ang pinakamahalagang

2:06konsepong narutuhan ninyo tungkol sa

2:08panitikan sa bagong mileno. Maaaring

2:11tungkol ito sa paggabago ng wika, papel

2:13ng internet, digital platforms o patuloy

2:16na ugnayan ng panitikan at lipunan. Sa

2:19dulo gumamit ng mga hashtag. Halimbawa

2:22sa slide ang h#teknolohiya

2:24#intennet at h#panitikang pilipino.

2:28Ngunit subukan ninyong gumawa ng sarili

2:29ninyong mas malikhaing hashtag. Tandaan

2:33may klima ng social media post. Maaari

2:35pa rin itong maging malinaw, makabuluhan

2:37at mapanuri.

2:40Subukin natin ang iyong memorya sa

2:42pamamagitan ng gawaing Sabihin mo ng

2:45hindi sinasabi. Magbigay kayo ng mga

2:47susing salita na naglalarawan sa

2:50kalagayan ng panitikan sa panahon ng

2:52batas militar. Pero may isang rule.

2:55Bawal ninyong sabihin mismo ang

2:57pariralang kalagayan ng panitikan sa

2:59panahon ng batas militar. Ano kaya ang

3:02maaari nating gamitin? Maaaring pumasok

3:04sa isip ninyo ang mga salitang sensura,

3:08protesta, kalayaan, simbolismo,

3:11aktibismo, karapatang pantao, pagpuna o

3:14pagtutol. Ang mahalaga rito ay hindi

3:17lamang maalala ang mga termino. Nais

3:20nating makita na ang panitika noong

3:22panahong iyon ay malapit na konektado sa

3:24mismong kalagayan ng bansa. I-pause muna

3:27ang video at magtala ng hindi bababa sa

3:30limang susing salita. Ngayon tingnan

3:34natin kung paano nagsisimula ang isang

3:36akda mula sa karanasan. May tatlong

3:39bahagi sa slide. Karanasan, naramdaman

3:42at ujyok na kilos. Halimbawa, naging

3:45biktima ka ng fake news. Iyun ang

3:47karanasan. Dahil dito, maaaring

3:50nakaramdam ka ng galit o lungkot. Iyun

3:53naman ang damdamin. At dahil nais mong

3:56maitama ang maling impormasyon, maaari

3:58kang sumulat ng isang post para magbigay

4:01ng linaw. Yun ang ujok na kilos. Ganito

4:05rin ang maaaring mangyari sa isang

4:06manunulat. May nakita siyang kawalang

4:09katarungan, kahirapan, diskriminasyon o

4:12pagbabago sa lipunan.

4:14May nabuo itong damdamin sa kanya at ang

4:17damdaming iyon ang nagtulak sa kanyang

4:18magsulat. Kaya madalas ang panitikan ay

4:22bunga ng karanasan ng tao sa lipunang

4:24kanyang ginagalawan.

4:26Bago tayo magpatuloy, mayroon tayong

4:29tatlong terminong kailangang maunawaan.

4:31Bagong lipunan, republika at ikatlong

4:35republika. Gamit ang dikyonaryo, aklat o

4:38inyong telepono, kung pahihintulutan,

4:41hanapin muna ang kahulugan ng bawat isa.

4:44Huwag muna nating tignan ang kasunod na

4:46slide. Sa paghahanap ng kahulugan,

4:48subukang gumawa ng sarili ninyong

4:51paliwanag. Hindi kailangang

4:52kopyang-kopya ang definisyon. Halimbawa,

4:55kapag sinabing republika, ano ang

4:58naiisip ninyo tungkol sa mamamayan,

5:01pamahalaan at pagpili ng mga kinatawan.

5:04Bigyan ang sarili ng ilang minuto.

5:06Pagkatapos, ihambing natin ang inyong

5:08sagot sa mga depinisyong ibinigay sa

5:11susunod na slide. Ihambing natin ngayon

5:14ang inyong mga sagot. Ayon sa slide, ang

5:17bagong lipunan ay tumutukoy sa lipunang

5:19nais marating ni Pangulong Marcos Senr.

5:22Sa ilalim ng kanyang pamumuno. Ang

5:24republika naman ay isang estado kung

5:27saan ang kapangyarihan ay nasa

5:29mamamayang pumipili ng kanilang mga

5:31kinatawan. At sa presentasyong ito, ang

5:34ikatlong republika ay in nilalarawan

5:36bilang panahon ng paglaya ng mga

5:38Pilipino mula sa batas militar noong

5:401986. Kung may kaunting pagkakaiba ang

5:43sagot ninyo, ayos lamang. Basta malinaw

5:46ang pangunahing konsepto. Tandaan ang

5:49tatlong terminong ito dahil makikita

5:51natin mamaya kung paano nagkaroon ng

5:53malaking pagbabago sa mapulitika at

5:55panlipunang kalagayan ng bansa. Dumako

5:59tayo sa isang awiting malapit na

6:01iniuugnay sa diwa ng 1986. Handog ng

6:04Pilipino sa mundo. Pansinin ang mga

6:06lirikong ipinakikita sa slide.

6:09Binibigyan diin dito ang pagkakapitbisig

6:11ng maraming Pilipino, pagkakaisa sa

6:14isang adhikain at ang ideya ng

6:16mapayapang pagbabago. Makikita rin ang

6:18mga salitang karotohanan, kalayaan at

6:21katarungan. Habang binabasa o

6:23pinakikinggan ninyo ang awit, huwag

6:25lamang pansinin ang magandang himig.

6:27Tanungin ninyo anong karanasan ng mga

6:30Pilipino ang pinagmulan ng ganitong

6:31mensahe? Dito natin muling makikita ang

6:34konsepto kanina. Karanasan, damdamin at

6:38ujok na lumikha. Ngayon ay mas malalim

6:41nating suriin ang mensahe ng awit. Una,

6:44ano ang panawagan ng awit sa mga

6:46lirikong binasa? Malinaw na may

6:49panawagan sa pagkakaisa, kalayaan,

6:51katarungan at papayapang pagkilos.

6:54Ikalawa, sa anong kalagayan natin nais

6:56lumaya ang mga Pilipino? Balikan ang

6:59konseptong pinaggagalingan ng awit at

7:01mga pangyayari bago ang 1986.

7:04At ikatlo, bakit binibigyan diin ang

7:06mapayapang paraan ng pagbabago? Hindi

7:09kailangang magkakapareho ang eksaktong

7:10paraan ng inyong pagsagot. Ang mahalaga

7:13ay maiugnay ninyo ang mga salita sa awit

7:15sa kalagayan ng lipunan noong panahong

7:18iyon. I-pause muna ang video at sagutin

7:21ang tatlong tanong bago tayo magpatuloy.

7:23Bago natin basahin at talakayin ang

7:26kasaysayan ng 1986, gusto kong kayo muna

7:29ang magtanong. magtala ng tatlong tanong

7:31na nais ninyong masagot habang

7:33nagpapatuloy ang aralin. Halimbawa,

7:36paano nakaapekto ang pag-alis ng mga

7:38marko sa mga manunulat? Maaari rin

7:41kayong magtanong tungkol sa EDSA

7:42Revolution, sa kalayaan sa pamamahayag,

7:45sa mga pagbabago sa tema ng panitikan o

7:48sa karanasan ng mga ordinaryong

7:50Pilipino. Bakit tayo gumagawa ng tanong

7:53bago magbasa? Dahil kapag may hinahanap

7:55tayong sagot, nagiging mas aktibo tayo

7:58bilang mamabasa. Hindi lamang tayo

8:00tumatanggap ng impormasyon. Naghahanap

8:02tayo ng koneksyon at paliwanag. Itabi

8:05ang tatlong tanong na ito dahil

8:07babalikan natin ang mga ito mamaya.

8:10Dumako na tayo sa ikalawang sesyon.

8:12Ngayon, mayroon na tayong mga tanong at

8:15paunang kaalaman. Pag-aralan naman natin

8:17ang mahalagang pangyayari noong 1986 at

8:20ang naging epekto ng mga ito sa lipunan

8:23at panitikan. Habang sumusunod, tandaan

8:26ang tanong na ito. Nagiging tahimik ba

8:28ang panitikan kapag nagbabago na ang

8:30pamahalaan o patuloy itong nagsisilbing

8:33salamin ng mga problemang hindi pa

8:35nalulutas? Yan ang ating aalamin. Sa

8:38slide. Nakatuon tayo sa rebolusyon sa

8:41EDSA noong Pebrero 1986. makikita ang

8:45apat na mahalagang bahagi kailan ito

8:47naganap ano ang naging ujoke anong

8:50paraan ang ginamit at ano ang naging

8:52resulta binibigyang diin dito ang papel

8:54ng media partikular ang radyo at

8:57telebisyon sa pagtitipon at pagkapakilos

9:00ng mamamayan ang paraan naman ay

9:02nilalarawan bilang isang mapayapang

9:04people revolution at sa resulta

9:07ipinakikita sa slide ang pag-alis ng

9:09pamilya Marcos at ang pagluklok ng

9:12bagong pamumuno sa ilalim ni Corazon

9:14Aquino. Pansinin ang isang mahalagang

9:16ideya. Hindi lamang ang mga leader ang

9:18gumagawa ng kasaysayan. Mahalaga rin ang

9:21komunikasyon, impormasyon at sama-samang

9:24pagkilos ng mamamayan.

9:26Sa slide na ito makikita ang tatlong

9:29yugto na inilalarawan bilang una,

9:31ikalawa at ikatlong republika. Ang unang

9:34republika ay iniuugnay sa panahon ni

9:36Emilio Aguinaldo. Ang ikalawang

9:38republika ayon sa presentasyon ay

9:40iniuugnay sa paglaya mula sa mga

9:43Amerikano at ang tinatawag dito na

9:45ikatlong republika ay inilalarawan

9:47bilang paglaya mula sa batas militar

9:49noong 1986. Ang mahalagang punto ng

9:52slide ay ang konsepto ng paglaya at

9:55pagbabago ng pampulitikang kalagayan.

9:57Ngunit tandaan, ang pagkakaroon ng

9:59pagbabago sa pamahalaan ay hindi

10:01nangangahulugang biglang nawawala ang

10:03lahat ng suliranin sa lipunan. At yan

10:06mismo ang pag-uusapan natin sa susunod.

10:10Bagam't may malaking pagbabagong naganap

10:12noong 1986, ipinakikita ng slide na

10:15hindi natapos ang lahat ng problema

10:17pagkatapos ng rebolusyon. Nanatili ang

10:19panga-api sa ilang manggagawa at

10:21magbubukid. Patuloy din naging usapin

10:23ang korupsyon. Naran din ang problema sa

10:25droga at pagdami ng informal settlers at

10:28patuloy na may mga biktima ng karahasan.

10:31Ano ang ibig sabihin nito para sa

10:33panitikan? Kung may mga problemang

10:35patuloy na nararanasan namayan, patuloy

10:38ring magkakaroon ng mga manunulat na

10:40magatanong, magalarawan, pupuna at

10:43magbibigay boses sa mga karanasang ito.

10:46Kaya ang paglayay hindi katapusan ng

10:48kwento. Sa maraming pagkakataon, simula

10:51lamang ito ng panibagong yugto.

10:53Narito ang isa sa pinakamahalagang

10:55konsepto ng ating aralin, ang panitikan

10:58bilang salamin ng lipunan. Kung ang

11:00kalagayan ng bansa ay puno pa rin ng mga

11:02suliraning panlipunan at pampulitika,

11:05makikita rin ang mga ito sa mga akdang

11:07nalilikha. Ayon sa slide, lumitaw ang

11:10mga temang tulad ng pakikisama at

11:12pagadalamhati, kahirapan at pulitika,

11:15kalagayan ng manggagawa at imperyalismo.

11:18Pansinin ang direksyon ng diagram mula

11:20sa kalagayan ng lipunan patungo sa tema

11:23ng panitikan. Yan ang ugnayang nais

11:25nating maunawaan. Hindi basta naiisip ng

11:28manunulat ang isang tema mula sa wala.

11:31Madalas itong nagmumula sa mga

11:33problemang kanyang nasasaksihan sa mga

11:35usaping umiikot sa bansa at sa mga

11:37karanasan ng kanyang kapwa.

11:40Alalahanin natin ang tatlong tanong na

11:42isinulat ninyo bago tayo magsimula.

11:44Basahin muli ang mga ito. Ngayon,

11:47tanungin ang sarili. Nasagot ba ng ating

11:49talakayan ang mga tanong ko? Kung oo,

11:52isulat sa tabi ng tanong ang maikling

11:54sagot na nakuha ninyo. Kung hindi pa,

11:56huwag burahin ang tanong. Maaari itong

11:58maging gabay para sa karagdagang

12:00pananaliksik. Pagkatapos, pumili ng

12:02isang tanong na sa tingin ninyo ay

12:04pinakamahalaga at ibahagi ang sagot. Ang

12:07gawaing ito ay mahalaga dahil sinusukat

12:09natin hindi lamang kung may natandaan

12:11kayong datos kundi kung nalinaw ba ang

12:14mga bagay na gusto nating maunawaan.

12:16Ngayon ayusin natin ang mga natutuhan sa

12:19pamamagitan ng bubble map. Sa malaking

12:21bilog sa gitna, ilagay ang pangunahing

12:24pangyayari noong 1986 na nais ninyong

12:26bigyang diin. Pagkatapos gamitin ang

12:29maliliit na bilog para sa mga

12:30sumusuportang detalye o susing pangalan.

12:33Halimbawa, kung ang sentro ay EDS sa

12:36Revolution, maaaring iugnay dito ang

12:38people power, radyo at telebisyon,

12:41paggabago ng pamahalaan, kalayaan at iba

12:43pang detalyeng lumitaw sa talakayan.

12:46Huwag lamang paramihin ang ilalagay.

12:48Piliin ang pinakamahalagang impormasyon.

12:50Layunin ang bubble map na makita ninyo

12:52ang koneksyon ng pangunahing pangyayari

12:54at ng mga detalyeng nakapaligid dito.

12:57Mula sa mga pangyayaring inilista ninyo,

12:59susunod naman nating tukuyin ang

13:01posibleng tema ng panitikan. Sa kaliwang

13:03column ay ang salaysay o pangyayari. Sa

13:06kanan naman ay ang sayssay o hinuhang

13:09tema. Halimbawa, kung ang pangyayari ay

13:11kahirapan ng informal settlers, maaaring

13:14maging tema ang kahirapan o kalagayan ng

13:16lipunan. Kung ang pangyayari ay patuloy

13:18na korrupsyon, ano naman kaya ang

13:20maaaring tema? Maaaring pulitika,

13:23katiwalian, kapangyarihan o kawalan ng

13:26katarungan? Mahalaga rito ang

13:28pangangatwiran. Hindi sapat na magbigay

13:30lamang ng tema, kailangang maipaliwanag

13:32kung paano nagmula ang temang iyon sa

13:35mismong pangyayari. Ngayon, palawakin

13:37natin ang ating pag-aaral. sa labas ng

13:39silid aralan, ang inyong misyon ay

13:41kapanayamin ng isang indibidwal sa

13:43komunidad na nasa edad na 55 hanggang 7

13:47taong gulang. Ayon sa tatdang gawain sa

13:49slide, ang layunin ay malaman mula sa

13:52kanila ang mga pelikula, awit o tulang

13:54naaalala nila noong panahong iyon. At

13:57tignan kong makikita sa mga ito ang mga

13:59temang natukoy natin. Sa ngayon bumuo

14:01muna ang bawat pangkat ng apat na

14:03maratalinong tanong. Iwasang puro oo o

14:06hindi ang sagot. Halimbawa, anong awit o

14:09pelikula noong panahong iyon ang

14:11pinakatumatak sa inyo at bakit? Kapag

14:13bukas ang tanong, masi may pagkakataong

14:15magkwento ang kinakapanayam.

14:17Buuin natin ngayon ang malaking larawan.

14:20Makikita sa slide ang apat na

14:21magkakaugnay na konsepto. Kasaysayan,

14:25kultura, karanasan, panitikan. Ang

14:27kasaysayan ay humuhubog sa kultura ng

14:30isang lipunan. Ang kultura naman ay

14:32nakikita sa paraan ng pamumuhay at

14:34karanasan ng mga tao. At ang mga

14:36karanasang iyon ay naisasalin sa

14:38panitikan. Ngunit maaari rin nating

14:41isipin na umiikot ang prosesong ito. Ang

14:44panitikan ay maaari ring makaapekto sa

14:46pananaw ng tao at maging bahagi mismo ng

14:48kasaysayan. Kaya kapag nagbabasa tayo ng

14:51isang akda, hindi lamang tayo nagbabasa

14:53ng kwento. Nagabasa rin tayo ng bakas ng

14:55panahon, kultura at karanasan ng mga

14:58taong nabuhay noong isinulat ito.

15:02Humanap ng kapareha at pag-usapan ang

15:04dalawang tanong. Una, bakit mahalagang

15:07maunawaan ang kaligirang pangkasaysayan

15:09ng mga akd noong 1986? Ikalawa, paano

15:13makatutulong ang pag-unawa sa kalagayan

15:15ng bansa upang lubos na maunawaan ang

15:17panitika nito? Huwag nating hatiin ang

15:19tanong na parang kanya-kanyang sagot

15:21lamang. Mag-uusap muna paghambingin ang

15:24inyong pananaw at pagkatapos ay bumuo ng

15:26isang pinag-isang sagot. Sa ganitong

15:28paraan, nurutuhan nating hindi lamang

15:30magsalita kundi makinig, maghambing ng

15:33ideya at bumuo ng mas malinaw na

15:35paliwanag kasama ang iba. Ngayon ay

15:38magkakaroon tayo ng personal na

15:40pagnilay. Kumpletuhin ang tatlong

15:42pahayag sa inyong journal. Una,

15:45narutuhan ko na ano ang pinakamahalagang

15:48aral para sa inyo. Ikalawa, nais ko pang

15:52linawin ang ano ang konseptong hindi

15:54paganap na malinaw. At ikatlo,

15:57mailalapat ko ito sa buhay sa

15:59pamamagitan ng Dito ninyo ipakikita kung

16:01paano naging makabuluhan ang kasaysayan

16:03at panidikan sa inyong pangaraw-araw na

16:06buhay. Maaaring gamitin ito upang maging

16:08masapan sa impormasyon, mas maunawaan

16:11ang pananaw ng ibang tao o mas

16:13pahalagahan ang karanasan ng

16:15nakatatandang henerasyon. I-pause muna

16:17ang video at sagutan ang inyong

16:18repleksyon.

16:21Bago matapos ang sesyong ito, tandaan

16:24ang tatlong dapat gawin. Una, isagawa

16:27ang pangkatang alam panayam gamit ang

16:29mga tanong na inaprubahan ng guro.

16:32Ikalawa, i-record sa audio o video o

16:35maayos na itala ang mga sagot ng

16:37kinakapanayam ayon sa napagkasundoang

16:39paraan at kinakailangang pahintulot.

16:42Pangatlo, ihanda ang inyong pangkat para

16:44sa ulat ng patunay sa usunod na

16:46pagkikita. Piyaking maayos ang inyong

16:48mga tala. Huwag umasa lamang sa memorya.

16:51Ang layunin natin ay gamitin ang boses

16:53ng komunidad bilang dagdag na patunay sa

16:56ating pag-aaral tungkol sa panatikan at

16:58kalagayan ng lipunan noong panahong

17:00iyon.

17:02Dumakot tayo sa ikatlong sesyon. Mula sa

17:051986, lalawak na ngayon ang ating

17:07pagkalakbay patungo sa bagong milenio.

17:09Makikita natin kung paano binago ng

17:11teknolohiya hindi lamang ang paraan ng

17:13ating pakikipag-usap kundi pati ang

17:15paraan ng paggawa, pagbasa, panonood at

17:18pagbabahagi ng panitikan. Kung dati ay

17:21papel, aklat, radyo at telebisyon ang

17:23pangunahing daluyan, ano kaya ang

17:25nangyayari kapag pumasok ang internet,

17:28social media, blogs at digital

17:30platforms? 'Yan ang ating bagong focus.

17:34Pagmasdan ang dalawang imahen sa slide.

17:36Sa ikalawa ay isang makinilya, simbolo

17:39ng mas tradisyonal na pagsulat. Sa kanan

17:41ay isang smartphone na may social media

17:44feed. Sa pagitan ng dalawang ito ay

17:46makikita ang malaking paggabago sa

17:48paraan ng paglikha at pagkonsumo ng

17:50teksto. Ang ating paksa ngayon ay ang

17:52kaligirang pangkasaysayan ng mga

17:54tekstong pampanitikan mula 1986 hanggang

17:57sa kasalukuyan. Mahalagang tanungin.

18:00Nagbago ba ang panitikan dahil nagbago

18:02ang teknolohiya?

18:03Oo, nagbago ang daluyan, bilis, wika at

18:06paraan ng pakikipag-ugnayan sa

18:08mambabasa, ngunit nanatiling mahalaga

18:10ang kwento at karanasan ng tao. Tatlo

18:13ang ating pangunahing layunin sa

18:15bahaging ito. Una, mayalarawan natin ang

18:18panitikan sa pagbubukas ng bagong

18:20milenyo. Ikalawa, atalakayin natin ang

18:23epekto ng teknolohiya sa tema at

18:25estruktura ng panitikan. At ikatlo,

18:28husuriin natin ang mga paggabagong ito

18:30sa pamagitan ng isang survey. Mapansin

18:33ninyong muli tayong hindi mananatili sa

18:35lecture lamang. Gumagamit tayo ng

18:37sariling karanasan, halimbawa ng mga

18:40akda at datos mula sa ibang tao upang

18:42malaman kung paano talaga tinatanggap at

18:44ina-access ng kasalukuyang mamabasa ang

18:47panitikan. Magkaroon muna tayo ng magaan

18:50na balikaral. Ibahagi ang pamagat ng

18:52paborito ninyong awit at subukang iugnay

18:54ito sa kalagayan ng panitikan noong

18:561986. Maaaring tila mahirap sa umpisa

19:00lalo na kung makabago ang napili ninyong

19:02kanta. Pero isipin ang tema, ang awit ba

19:05ay tungkol sa kalayaan, pag-ibig,

19:08paikibaka, pamilya, pagkakaisa, kawalan

19:11ng katarungan? Maraming temang umiiral

19:14noon ang patuloy pa ring lumilitaw

19:16ngayon. Isulat ng pamagat ng awit at

19:18isang maikling dahilan kung paano ito

19:20maaaring uugnay sa temang panlipunan o

19:22karanasang tinatalakay natin. Kilalanin

19:25natin ang mga logo sa slide. Mula

19:27kaliwa, makikita ang Twitter o x sa

19:29kasalukuyang anyo ng platform Facebook,

19:32Gmail, Instagram at YouTube. Ilang

19:35minuto o oras kaya ang ginu-Google ninyo

19:37sa mga ganitong application sa loob ng

19:39isang araw? Sa unang tingin, parang wala

19:42itong kaugnayan sa panitikan. Pero

19:44isipin sa mga platform na ito ay

19:46nagbabasa ng caption, post, kwento,

19:50komentaryo, tula, memes, video essays,

19:54spoken word at iba't iba pang uri ng

19:56digital text. Kaya maaaring mas marami

19:59tayong nababasang tekstto araw-araw

20:01kaysa sa iniisip natin. Nagabago lamang

20:03ang plataporma.

20:05Inin naman natin ang ating paggamit sa

20:07mga application na iyon. Una, saan ninyo

20:10madalas ginagamit ang mga ito? Sa bahay

20:12ba, paaralan, biyahe kapag may libreng

20:15oras? Ikalawa, ano-anong bagong salita

20:18ang nauuso dahil sa mga ito? Maaaring

20:20mga pinaikling salita, hashtags, slang,

20:24internet expressions o kombinasyon ng

20:26Filipino at Engles. At ikatlo, paano

20:29ninyo ilalarawan ang wikang ginagamit sa

20:31mga platform na ito? Pormal ba?

20:34Impormal? Maikli? Direktang-direkta?

20:37Madalas bang may emoji o abbreviation?

20:40Ang tanong na ito ay mahalaga dahil

20:41makikita natin na kapag nagbago ang

20:43teknolohiya at paraan ng komunikasyon,

20:46nagabago rin ang gamit ng wika.

20:48Linawin natin ang dalawang mahalagang

20:50termino. Ang teknolohiya ay nilalarawan

20:53sa slide bilang paggalapat ng agam sa

20:55praktikal at industriyal na layunin.

20:58Hindi lamang gadget ang teknolohiya

21:00kabilang dito ang mga sistemang at

21:02kagamitang nalilikha upang mapadali ang

21:04gawain, komunikasyon at produksyon. Ang

21:07media naman ay isang pangunahing daluyan

21:09ng komunikasyong pangmadla. Kasama rito

21:11ang radyo, telebisyon, pahayagan,

21:14pelikula at sa makabagong panahon,

21:17digital at online platforms. Kapag

21:19pinagsama ang teknolohiya at media,

21:21nagbabago ang paraan kung paano

21:23nakararating sa tao ang isang akda. Ang

21:25dating kailangang ilimbag ay maaari ng

21:27mai-post at maibahagi sa loob lamang ng

21:30ilang segundo. Isa pang mahalagang

21:32konsepto ay ang vlog. Ayon sa slide,

21:34maaari itong maging website na

21:36naglalaman ng personal na refleksyon,

21:38komentaryo, video at iba pang content.

21:41Maaari itong maging online publication

21:43tungkol sa iba't ibang paksa mula sa mga

21:45manunulat. Bago naging napakapopular na

21:47maikling social media post at vlogs,

21:50malaking bahagi ng personal at malikaing

21:52pagsulat online ang blogging. Ito

21:54makikita ang paggabago sa relasyon ng

21:56manunulat at mambabasa. Hindi na

21:58kailangan dumaan palagi sa tradisyonal

22:00na publisher bago maibahagi ang

22:02sinusulat. Sa digital space, maaaring

22:04direktang maiparating ng manunulat ang

22:06kanyang teksto sa audience. Ngayon ay

22:09gamitin natin ang sarili ninyong

22:11karanasan. Mag-isip ang paborito ninyong

22:13halimbawa sa apat na kategorya. Awit,

22:16pelikula, tula at nobela. Isulat ang

22:19pamaga sa bawat kahon. Kung wala kayong

22:21maisip sa isang kategorya, huwag

22:23mag-alala. Maaari kayong magtanong sa

22:25kaklase o alalahanin ng mga akdang

22:27napag-aralan ninyo. Bakit natin ito

22:29ginagawa? Dahil gusto nating tignan kung

22:31anong klaseng panitikan at media ang

22:33kinahihiligan ng inyong henerasyon.

22:36Mamaya husuriin natin hindi lamang ang

22:38pamagat kundi pati ang wika, platform at

22:41tema ng mga napili ninyo. Tignan muli

22:44ang mga pamagat na inyong isinulat. Una,

22:47anong uri ng mga salita ang ginagamit sa

22:49mga pamagat? Filipino ba? Engles,

22:52tuglish, slang? May kakaiba ang

22:54spelling. Ikalawa, saan ninyo naa-access

22:57ang mga ito? Sa libro ba? Spotify,

23:01YouTube, Netflix, Watpad, social media?

23:04At ikatlo, ano ang karaniwang tema o

23:07paksa? Maaaring pag-ibig, pamilya,

23:10mental health, kabataan, pulitika,

23:12identidad, kahirapan o personal na

23:15paikibaka. Dito natin makikita na

23:17nagabago ang panitikan kasabay ng

23:19panahon. Maaaring pareho ang ilang

23:21pangunahing karanasan ng tao ngunit

23:24nag-iiba ang wika, anyo at daluyang

23:26ginagamit upang maipahayag ang mga ito.

23:30Narito na tayo sa ikaapat na sesyon. Sa

23:32bahaging ito, pagasamahin natin ang

23:35lahat. Kasaysayan, paggabago ng lipunan,

23:38pag-unla ng teknolohiya at ebolusyon ng

23:40panitikan. Tignan natin ang pagkalakbay

23:42mula 1986 patungo sa ikaw siglo. Habang

23:47sinusundan ng timeline, obserbahan kung

23:49ano ang nanatili at ano ang nagabago.

23:52Ang tanong natin, kung ang panitikan ay

23:54salamin ng lipunan, ano ang makikita

23:56nating paggabago sa salaming ito habang

23:58nagabago rin ang Pilipinas? Unang bahagi

24:01ng timeline. Nagsimula tayo sa 1986. Una

24:05ay paglaya. Ayon sa slide, sumigla ang

24:08panitikan kasabay ng mas malayang

24:10pamamahayag. Ikalawa ay musika o OPM.

24:13Naging bahagi ng popular na kultura ang

24:16mga grupong tulad ng Eraser Heads,

24:18parokia ni Edgar at River Maya. Ikatlo

24:21ay ang pagbabago ng tema. Lumawak ang

24:23pagtalakay sa pag-ibig, karanasan ng

24:25kabataan, karapatang pantao at mga

24:28usaping panlipunan. At ikaapat ay media.

24:31Patuloy ang pag-unlad ng radyo at

24:33telebisyon at lumitaw ang mas maraming

24:35independent films. Makikita nating ang

24:38panitikan ay hindi lamang nasa aklat.

24:40Maaari itong mabuhay sa kanta, pelikula,

24:43radyo, telebisyon at iba't ibang popular

24:46na anyo. Pagpasok ng ika2't1 siglo, mas

24:50naging malinaw ang impluwensya ng

24:52digital technology. Una ay ang digital

24:54na espasyo. Lumawak ang panitikan sa

24:57internet sa pamamagitan ng vlogging,

24:59vlogging, podcast. at iba pang mga

25:02online content. Ikalawa ay ang mabilis

25:04na paglaganap. Kung dati ay maaaring

25:07abutin ang araw o buwan bago may

25:08pamahagi ang isang akda, ngayon ay

25:11maaaring maabot ang napakaraming tao.

25:14Ikatlo ay ang ebolusyon ng wika.

25:16Binabanggit sa slide ang pag-usbong ng

25:18Jeemon, Gwords at kulturang netizen

25:21bilang halimbawa ng patuloy na pagbabago

25:23ng paraan ng paggamit natin ng wika. Ang

25:26teknolohiya kung gayon ay hindi lamang

25:28nagbigay ng bagong platform. Binago rin

25:31nito ang bilis, estilo at wikang

25:33ginagamit sa panitikan at komunikasyon.

25:36Subukan nating ilarawan ng mahalagang

25:38pagbabago gamit ang isang malikaying

25:40hashtag. Para sa pag-unlad ng

25:42teknolohiya sa ika-2't1 siglo, maaaring

25:45gumawa ng hashtag na tumutupoy sa

25:47digital transformation. Para sa

25:49pagdasali ng kwento sa pelikula, gumawa

25:52ng hashtag na nagpapakita ng paglipat

25:54mula pahina patungong screen. Ganoon din

25:57sa pagsigla ng TV at radyo. Paglaganap

25:59ng internet at pagkusbong ng iba't ibang

26:01wika sa planetikan. Halimbawa lamang

26:04maaaring h#kwento sa screen o panitikan

26:08online. Ngunit mas maganda kung kayo ang

26:11gagawa. Dapat maikli, madaling tandaan

26:14at malinaw ang koneksyon sa konseptong

26:16inilalarawan.

26:17Ngayon ay suriin natin ang ilang

26:19halimbawa ng akda at pamagat na makikita

26:21sa slide. Narito ang bata-bata. Paano ka

26:24ginawa? Dekada si aba nakakabasa na pala

26:28ako. At pexman, mamatay ka man.

26:30Nagisinungaling ako. Pansinin agad ang

26:32malaking pagkakaiba sa estilo ng

26:34pamagat. May mga pamagat na may

26:36tradisyonal ang pagkakasulat at mayroon

26:39namang gumagamit ng mas impormal,

26:41mapaglaro o makabagong wika. Sa inyong

26:44pangkat, huwag lamang sagutin kung alin

26:45ang mas gusto ninyo. Suriin ninyo kung

26:48ano ipinahiwatig ng pamagat tungkol sa

26:50panahon, target na mambabasa at paraan

26:53ng pakikipag-usap ng manunulat sa

26:55audience.

26:56Gamitin ang tatlong tanong bilang gabay

26:58sa inyong pagusuri. Una, saan hinalaw o

27:01ibinatay ang mga pelikulang bata-bata at

27:04dekada 70? Pag-isipan ang ugnayan ng

27:07panatitikan at adaptasyong pampelikula.

27:09Ikalawa, ano ang napapansin ninyo sa

27:12paggamit ng wika sa mga pamagat nina

27:14baboong at erosatalya? Pansinin ang

27:16impormalidad. Pagiging conversational at

27:19paglalaro sa baybay at tono. Ikatlo,

27:22ano-ano ang tema o paksang maaaring

27:24tinalakay ng mga akdang ito? Huwag

27:26huminto sa pamagat lamang. Iugnay ang

27:28inyong sagot sa mga usaping panlipunan,

27:31karanasan ng pamilya, kabataan, pag-ibig

27:34at iba pang mga paksang lumitaw sa ating

27:36pag-aaral. I-pause ang video at

27:39pag-usapan ito bilang pangkat. Ngayon ay

27:42sasagawa natin ang panayamadla. Isang

27:45simpleng survey upang masuri kung paano

27:47tinatanggap ng tao ang panitikan sa

27:49bagong milenyo may tatlong hakbang. Una,

27:52magsaliksik ng s akdang pampanitikan

27:54mula sa bagong milenyo. Dalawa,

27:57magsagawa ng sarve sa 10 tao gamit ang

27:59inihandang talahan na yan. At ikatlo,

28:02ilahad sa klase ang konklusyon mula sa

28:04inyong nakalat na datos. Pansinin na

28:06hindi tayo basta magtatanong kung gusto

28:08nila ang akda. Pusuriin natin kung paano

28:11nila ito nalaman. Saan nila ito

28:13na-access, gaano nila ito nauunawaan at

28:15gaano sila nagkakaugnay sa tema. Sa

28:18pamamagitan nito, makikita natin ang

28:20aktwal na epekto ng digital age sa

28:22panitikan.

28:24Gagamit tayo ng apat hanggang isang

28:26scale sa pagsagot. Ang apat ay lubos na

28:28sumasang ayon at ang isa ay lubos na

28:30hindi sumasang ayon. May limang pahayag.

28:33Una, napanood o nabasa ko ang akda.

28:36Ikalawa, madali kong nauunawaan ang

28:38nilalaman nito. Ikatlo, nalaman ko ang

28:41akda dahil sa isang post sa social

28:43media. Ikaapat, na-access ko ang akda sa

28:46internet. At ikalima, mabilis akong

28:48nakaugnay sa tema dahil sa kanaranasan

28:51ko ito sa kasalukuyan. Tandaan, hindi

28:54ninyo dapat impluwensyahan ang sagot ng

28:56kalahok. Bigay lamang ang pahayag at

28:59hayaan silang pumili ng sagot na

29:01pinakatapat sa kanilang karanasan.

29:04Kapag nakumpleto na ang survey, huwag

29:06lamang basta bilangin ang mga sagot.

29:08Bigyang kahulugan natin ng datos. Una,

29:11ano ang nangingibabaw na tugon ng mga

29:13kalahok? Halimbawa, kung karamihan ay

29:15sumasang ayaw na nalaman nila ang akda

29:17sa social media, anong ibig sabihin nito

29:20tungkol sa paraan ng paglaganap ng

29:22panidikan ngayon? Kung karamihan ay

29:24nagasabing naa-access nila ang mga akta

29:26sa internet, ano naman ay

29:28pinahihiwatigo? Sa pagkamarka, tatlong

29:31pangunahing pamantayan ang nasa slide.

29:33Lalim ng pagusuri, kaisahan ng ideya at

29:36gamit ng wika na tigaapat na puntos.

29:38Kaya hindi sapat na magpresenta lamang

29:40ng numero. Kailangan ninyong makabuo ng

29:42malinaw at makatwirang konklusyon.

29:45Bilang malikaing pagkalahat, isipin

29:46ninyong gagawa kayo ng isang Facebook

29:48post. Sumulat ng maikling pahayag na

29:51naglalaman ng pinakamahalagang konsepong

29:53natutuhan ninyo tungkol sa panitikan sa

29:55bagong mileno. Maaaring tungkol ito sa

29:57paggabago ng wika, papel ng internet,

30:00digital platforms o patuloy na ugnayan

30:03ng panitikan at lipunan. Sa dulo,

30:05gumamit ng mga hashtag. Halimbawa sa

30:08slide ang h#teknolohiya

30:10#internet at h#panetikang pilipino.

30:14Ngunit subukan ninyong gumawa ng sarili

30:16ninyong mas malikhaing hashtag. Tandaan

30:19may klima ng social media post. Maaari

30:21pa rin itong maging malinaw, makabuluhan

30:23at mapanuri.

30:25Humanap muli ng kapareha at pag-usapan

30:28ng dalawang tanong. Una, bakit

30:30mahalagang maunawaan ang kaligirang

30:32pangkasaysayan ng panitikan sa bagong

30:34milenyo? Ikalawa, paano nakatutulong ang

30:37kaalaman sa kalagayan ng bansa upang mas

30:40maunawaan ang mga akdang nalilika sa

30:42kasalukuyan? Subukang pagsamahin ng mga

30:44konseptong natalakay natin mula 1986

30:47hanggang digital age. Halimbawa,

30:50maaaring isipin kung paano nakaapekto

30:52ang pulitika, ekonomiya, teknolohiya,

30:55kultura atanasan ng kabata sa mga tema

30:58ng mga akda. Bumuo ng isang malinaw na

31:00sagot bilang pares at suportahan ito ng

31:03kahit isang halimbawa.

31:06Bago tayo tuluyang magtapos, tasahin

31:08muna natin ang inyong pagkatuto. May

31:10apat na anta sa slide. Kayang-kaya ko

31:13kung mahusay na ninyong nailarawan ng

31:14panitikan. Kaya ko kung naipaliliwanag

31:17na ninyo ang ugnayan ng teknolohiya at

31:19akda. Kinakaya ko kung may ilang bahagi

31:22pa kayong kailangan linawin. At hindi ko

31:24kaya kung nahihirapan pa kayo sa

31:26mahalagang konsepto. Walang masama sa

31:28pagpili ng kinakaya ko o hindi kaya.

31:31Layunin nito ay malaman kung saan kayo

31:33nangangailangan ng dagdag na tulong.

31:35Maging tapat sa sarili. Ang reflekson ay

31:38hindi tungkol sa mataas na marka.

31:40Tungkol ito sa pagkilala kung ano ang

31:42alam at ano pa ang kailangang

31:43pag-aralan. Bilang pagwakas, balikan

31:46natin ang pinakamahalagang mensahe ng

31:48buong aralin. Mula sa makinilya at

31:51tradisyonal na aklat hanggang sa

31:52internet, smartphone, social media,

31:55blogs, videos at podcast, patuloy na

31:59nagabago ang paraan ng pagkukwento.

32:01Nagabago ang ating wika, nagabago ang

32:03platform, nagabago ang paraan ng

32:05pag-abot sa mababasa. Ngunit tulad ng

32:07ipinakikita sa slide, may isang bagay na

32:09nananatili. Ang kaluluwa ng ating

32:12pagkapilipino ay patuloy na nabubuhay sa

32:14ating mga kwento. Ang paritikan ay

32:17patuloy na sumasalamin sa ating

32:18kasaysayan, problema, pangarap, kultura,

32:23pag-ibig, pakikibaka at pagkakakilanlan.

32:26Kaya kapag nagbabasa tayo ng panatikang

32:28Pilipino, nakalimbag man sa papel o

32:30nakikita sa digital screen, mas

32:32nakikilala rin natin ang ating lipunan

32:34at ang ating sarili. Maraming salamat sa

32:37inyong pakikinig at mahusay na

32:38pag-aaral. เฮ

Recently added transcripts

Browse the whole transcript library

This transcript was generated from the captions YouTube publishes for this video. Get the transcript of any YouTube video atfreeyoutubetranscribe.com, free, unlimited, no sign-up.