Full transcript
0:02Vales education 10 term 2 learning
0:04competency 2a nakapagpapahayag ng iba't
0:07ibang bukasyon na maaaring piliin gabay
0:09ang pamilya
0:13ang salitang bukasyon ay hango sa
0:15terminong latin na vocasyo na ang
0:17literal na kahulugan ay isang tawag
0:20ipinahihiwatig nito na ang bawat isa sa
0:22atin ano man ang ating katayuan ay may
0:24espesyal na misyong itinakda ng Diyos na
0:27tayo lamang ang makakaganap
0:29Ngunit mahalagang malaman natin ang
0:31kaibahan nito sa karaniwang propesyon o
0:33trabaho. Habang ang propesyon ay madalas
0:35nating tinitingnan bilang paraan upang
0:37kumita ng salapi o mabuhay, ang bukasyon
0:40ay higit na malalim. Ito ay ang gawain
0:42kung saan hindi ka nababagot o napapagod
0:45dahil nagagamit mo ang iyong mga talento
0:47ng may matinding kasiyahan. Ika nga sa
0:50bukasyon hindi nagiging complete ang
0:52iyong araw kung hindi mo ito magagawa
0:55sapagkat ito nagbibigay ng tunay na
0:57kahulugan sa iyong pag-iral.
1:02Maaari tayong tawagin sa iba't ibang
1:04larangan. Ang ilan ay tinatawag sa buhay
1:06espiritwal upang maging gabay sa
1:08pananampalataya tulad ng mga pari,
1:10pastor o imam na iniaalay ang buhay sa
1:13paglilingkod sa Diyos. Mayroon din
1:15namang tinatawag sa mga propesyong may
1:17partikular na adhikain gaya ng isang
1:19doktor na pinipiling magsilbi sa mga
1:21komunidad na walang access sa medisina
1:23sa halip na maghangad lamang ng
1:25malalaking kita sa lungsod. Maging sa
1:27sining sports o technical na larangan,
1:30ang ating mga talento ay nagiging
1:31bukasyon kapag ginagamit natin ito upang
1:34itaas ang antas ng buhay ng ating kapwa
1:37at magbigay ng karangalan sa ating
1:39lipunan.
1:42Sa pagtahak sa landas na ito, may mga
1:44personal na salik tayong dapat
1:46isaalang-alang.
1:47Ang mga ito ang magsisilbing pundasyon
1:49upang matiyak natin na ang ating
1:51pipiliin ay akma sa ating kakayahan at
1:54hindi tayo basta sumasabay lamang sa
1:56uso. Mahalagang maunawaan na ang mga
1:58salik na ito ang magdidikta kung tayo ba
2:00ay magtatagumpay o makararanas ng
2:03paghihirap sa ating napiling karera o
2:05bokasyon. Ang layunin natin ay hindi
2:07lamang makatapos ng pag-aaral kundi ang
2:10magkaroon ng malinaw na maitihiin sa
2:12buhay. Tandaan ninyo, ang anumang kurso,
2:15trabaho o propesyon na inyong pipiliin
2:17sa hinaharap ay may potensyal na maging
2:19inyong bukasyon. Kaya naman sa inyong
2:22pagpapasya ngayon, isipin ninyo na hindi
2:25lang kayo pumipili ng kukunin sa
2:27kolehiyo. Pumipili kayo ng isang misyon
2:29na inyong paninindigan at mamahalin
2:32habang buhay.
2:35Ang unang salik sa pagpili ng kurso,
2:37trabaho o bokasyon ay ang ating
2:39interess, hilig o passion. Ang interes,
2:42hilig o passion ay ang likas na udyok ng
2:45iyong puso sa isang partikular na
2:47gawain. Ito ang mga bagay na ginagawa mo
2:49ng may kusa at hindi napipilitan lamang.
2:53Halimbawa, kung ikaw ay nakararamdam ng
2:55kakaibang sigla sa tuwing nagluluto,
2:57nagkakalikot ng mga gadget o nagsusulat
3:00ng mga tula, malinaw na indikasyon ito
3:02ng iyong mga hilig. Dapat nating
3:05isaalang-alang ang salik na ito dahil
3:07ang isang taong may passion sa kanyang
3:08ginagawa ay hindi madaling mabuwal ng
3:11pagkapagod o pagkabagot na siyang susi
3:14sa pangmatagalang tagumpay.
3:18Ang ikalawang salik ay ang pisikal at
3:20mental na kakayahan. Ang ating pisikal
3:23at mental na kapasidad ay tumutukoy sa
3:25kahandaan ng ating pangangatawan at ang
3:28antas ng ating kognitibong kasanayan
3:30para sa isang tiyak na larangan. Isipin
3:32ninyo, ang isang nagnanais maging propal
3:35na atleta ay nangangailangan ng
3:37disiplina at lakas ng katawan. Habang
3:40ang nagnanais maging abogado o doktor ay
3:42nangangailangan ng matalas na lohika at
3:45mapanuring pag-iisip. Mahalagang maging
3:47makatotohanan tayo rito upang masiguro
3:50nating ang pipiliin nating bukasyon ay
3:52hindi magiging banta sa ating kalusugan
3:55kundi magiging venue ng ating paglago.
4:00Ikatlong salik, karakter o pagkatao. Ang
4:03karakter o personalidad ay ang kabuuan
4:06ng iyong mga gawi at katangiang
4:08nagpapabukod tangi sa iyo bilang isang
4:10natatanging indibidwal. Halimbawa, ang
4:13isang taong likas na palakaibigan at
4:15magaling makipag-ugnayan ay malaki ang
4:18tsansang magtagumpay sa larangan ng
4:20sales at marketing habang ang mga
4:22tahimik ngunit mapagmatyag ay maaaring
4:25mas epektibo sa pananaliksik. Kapag ang
4:28iyong karakter ay tugma sa iyong
4:29bukasyon, magiging natural at magaan ang
4:32iyong bawat kilos dahil hindi mo
4:34kailangang magpanggap o magbago ng
4:36pagkakakilanlan.
4:40Ang ikaapat na salik ay ang kasanayan o
4:42skills at ang ating mga kakayahan. Ang
4:46mga kasanayan o skills ay ang iyong mga
4:48weapon o kasangkapan. Ito ang mga bagay
4:51na natutuhan mong gawin ng mahusay sa
4:53pamamagitan ng pagsasanay. Maaaring ito
4:56ay ang iyong galing sa pagpipinta, ang
4:58bilis ng iyong kamay sa pagkukumpunin ng
5:00mga kagamitan o ang iyong husay sa
5:02pagpapaliwanag ng mga ideya sa harap ng
5:04maraming tao. Bagaman ang skills ay
5:07maaaring linangin, ang pagkakaroon ng
5:09pundasyon sa mga ito ay nagbibigay sa
5:11iyo ng advantage upang mas mabilis mong
5:14makamit ang kahusayan sa iyong napiling
5:16bukasyon.
5:19Ang ikalimang salik sa pagpili ng kurso,
5:21trabaho o bokasyon ang ating karanasan
5:24sa buhay. Ang ating mga nakaraan at ang
5:27mga huwarang tao o role models na ating
5:29nakasalamuha ay may malalim na epekto sa
5:32ating mga mithiin. Maaaring ang iyong
5:35pangarap na maging isang guro ay nagmula
5:37sa paghanga mo sa isang gurong
5:38nagmalasakit sa iyo noong bata ka pa. o
5:41ang pagnanais mong maglingkod sa iyong
5:43relihiyon dahil naman sa aktibong
5:45pakikilahok ng iyong pamilya rito. Ang
5:47mga karanasang ito ang humuhubog sa
5:49ating damdamin at nagbibigay sa atin ng
5:52clue kung anong papel ang nais nating
5:54gampanan sa ating lipunan.
5:59At ang ikaanim na salik sa pagpili ng
6:01kurso, trabaho o bokasyon ay ang ating
6:04pagpapahalaga o values. Ang iyong value
6:07system o mga pinahalagahan ang
6:09nagsisilbing moral compass na gagabay sa
6:11iyo sa bawat pagpapasya at kilos na
6:14iyong gagawin. Kung ang iyong
6:16pinahahalagahan ay ang paglilingkod sa
6:17kapwa at sa Diyos, malamang na pipiliin
6:20mo ang mga bukasyong may kinalaman sa
6:22kawang gawa o misyonaryong gawain. Sa
6:25huli, ang iyong bukasyon ay dapat
6:27nakasandig sa iyong mga prinsipyo upang
6:29mapanatili mo ang integridad at
6:31kapayapaan ng loob sa kabila ng anumang
6:34materyal na alok ng mundo.
6:38Bilang paglalagom, dapat nating tandaan
6:40na ang pagpili ng kurso o propesyon ay
6:43hindi isang random na desisyon. Ito ay
6:45dapat nakabatay sa pagkakaisa ng ating
6:48mga likas na talento, mga kasanayang
6:50ating nalinang at ang mga interes na
6:52nagbibigay sa atin ng sigla. Bukod dito,
6:55ang pananatiling tapat sa ating mga
6:57personal na pagpapahalaga o values ang
7:00tanging paraan upang matamo natin ang
7:02tunay na kaligayahan at kapayapaan sa
7:04gitna ng ating mga tungkulin. Sa huli,
7:07kapag ang ating trabaho ay hindi na
7:09lamang para sa pansariling kita kundi
7:11nagiging makabuluhan at kapakipakinabang
7:13na rin sa ating kapwa, ang karerang ito
7:16ay naganap ng nagiging isang bokasyon,
7:19isang banal na tawag na nagbibigay ng
7:21saysay sa ating buhay.
7:25Sa huling bahagi ng ating talakayan,
7:27bigyan diin natin ang pamilya bilang
7:29pangunahing lundayan ng paggabay. Sila
7:32ang ating unang coach na naghahanda sa
7:34atin sa pagharap sa mga hamon at
7:36responsibilidad ng pagiging isang
7:38produktibong mamamayan. Mahalagang
7:40maunawaan na ang pagiging responsableng
7:42magulang ay hindi lamang nagtatapos sa
7:45pagbibigay ng materyal na
7:46pangangailangan. Kasama rito ang
7:48aktibong pagtulong sa mga anak upang
7:51matimbang ng wasto ang mga option at
7:53kahihinatnan ng landas na kanilang
7:55tatahakin. Upang maging matagumpay ang
7:57pagpili ng bokasyon. Napakahalaga ng
8:00pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa
8:02loob ng tahanan. Ang pagkakaisa ng
8:04pangarap ng anak at gabay ng magulang
8:06ang nagbibigay ng kapanatagan sa puso ng
8:09bawat mag-aaral na naghahanda para sa
8:11kanyang kinabukasan.
8:15Journal 2.2 My Future Choice. Pumili ng
8:19isa sa mga pangarap mo. Halimbawa ay
8:22magkaroon ng mataas na sweldo,
8:24makatulong sa pamilya o makapaglingkod
8:26sa ibang tao at sagutin ang mga tanong
8:29na ito. Bakit ito ang pinili mo? Anong
8:32talento o kasanayan mayroon ka ngayon na
8:35makatutulong sa iyo para maabot ito?
8:38Sagutin sa pamamagitan ng dalawa
8:40hanggang tatlong simpleng pangungusap
8:41lang.
8:45Sagutin din ang mga sumusunod. Kapag
8:48naiisip mo ang iyong future, ano ang
8:50nararamdaman mo? Pumili lang ng isa.
8:52Nasasabik ka ba? Natatakot?
8:54Nape-pressure o masaya?
8:57Sino sa iyong pamilya ang gusto mong
8:58hingan ng payo tungkol dito at bakit?
9:04Para sa pagbabahagi sa klase,
9:06kumpletuhin ang pangungusap na ito. Ang
9:08pinakagusto kong gawin o ang talento ko
9:10ay at magagamit ko ito sa hinaharap sa
9:14pamamagitan ng
9:18dugtungan ng pahayag. Masaya o
9:21hiyang-hiya ako kapag kinakausap ko ang
9:23magulang ko tungkol sa pangarap ko dahil
9:55At hanggang dito lamang po ang ating
9:57aralin para sa araw na ito. Sana po'y
9:59may natutuan kayo. Salamat po sa
10:01panonood at pakikinig. Paalam.