Full transcript
0:00Paglalayag sa puso ng isang bata ni
0:03Henoveeva Edrosa Matuti. Binata na siya
0:07marahil ngayon o ba kaan ng isang
0:10mag-anak. Ito ay kung nakaligtas siya sa
0:12nakaraang digmaan. Ngunit ayaw kong
0:15isiping baka hindi. Sa akin siya'y hindi
0:18magiging isang binatang kilala, isang
0:21ama o isang ala-ala kaya ng bataan. Sa
0:25akin siya'y mananatiling isang batang
0:27lalaking may kaliitan. May kaitiman at
0:30may walong taong gulang. Pagkaraan ng
0:33daan-daang tinuruan. Mga sumipot
0:36nananatiling saglit at lumisan
0:39pagkatapos. Pagkaraan ng mga taong ang
0:41ilay'y nagdumali, ang ilay'y nagmabagal
0:44at ang ilay'y nakintal sa gunita. Buhay
0:47na buhay pa sa aking isipan ang kanyang
0:50mukha at ang kanyang pangalan. Ngunit
0:53ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na
0:55itinuro niya sa akin. Isang araw ng siya
0:58ang aking maging guro at ako ang kanyang
1:01tinuruan. Isa siya sa pinakamaliit sa
1:04klase at isa rin siya sa pinakapangit.
1:08Ang bilog at pipis niyang ilong ay
1:10lubhang kapansin-pansin at tignan lamang
1:13iyo'y mahahabag na sa kanya ang
1:14tumitingin.
1:16Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay
1:18laban din sa kanya, mayroon siyang
1:21kakatuwang punto na nagpapakilalang
1:23siya'y tagaibang puok. Ngunit may isang
1:26bagay na kaibig-ibig sa munt pangit na
1:28batang ito. Kahit sa simula pa lamang,
1:31nagpapaiwan siya tuwing hapon. Kahit na
1:34hindi siya hilingin ng gayon, siya rin
1:36ang pinakahuling umaalis. Naglilibot
1:39muna sa buong silid upang pulutin ang
1:41mga naiwang panlinis. Lihim kusi ang
1:44pinagmamasdan habang inaayos niya ang
1:46mga ito sa lalagyan. Ipinipin at
1:49pagkatapos ay magtutungo sa likod ng
1:51bawat hanay ng upuan upang tingnan kung
1:54tuwid ang bawat isa. At sa pintuan lagi
1:58siyang lumilingon sa pagsasabi ng
2:00goodbye teacher. Sa simula, pinagtakahan
2:04ko ang kanyang pagiging mahiyain.
2:06Nakikita ko siyang gumagawa ng tahimik
2:08at nag-iisa. Umiiwas sa iba.
2:11Maminsan-mins nahuhuli ko siyang
2:13sumusulyap sa akin upang bawiin lamang
2:16ang kaniyang paningin. Siyang tinatanaw
2:19tuwing hapon pinakahuli sa kanyang mga
2:22kasamahan ay naiisip kong alam na alam
2:24niya ang kanyang kapangitan ang
2:27nakatutuwang paraan ng kanyang
2:28pagsasalita.
2:30Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang
2:32mga katotohanan tungkol sa kanyang
2:34buhay. Payak ang mga katotohanan. Siya'y
2:38isang munting ulilang galing sa
2:40lalawigan. lumuwas sa malaking lungsod
2:43bilang utusan at kalahating araw siyang
2:46pumapasok sa paaralan upang may makasama
2:48sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng
2:51kanyang panginoon nadama ko ang
2:53kakaibang kalungkutan nais kong makita
2:56siyang nakikipaghabulan sa mga kapwa
2:58bata umaakyat sa mga puok na
3:00ipinagbabawal napapasuot sa kaguluhang
3:03bahagi ng buhay ng bawat bata kahit na
3:06hindi siya marunong maging kanya lamang
3:09sana ang halakhak at kaligayahan ng
3:12buhay bata. Tinatawag ko siya ng madalas
3:15sa klase. Pinagawa ko siya ng marami't
3:18mumunting bagay para sa akin. Pinakuha
3:21ko sa kanya ang mga tsinelas ko at sa
3:23pinakahuling upuan sa silid. Naging
3:26ugali niya ang pagkuha ng mga iyon. ang
3:28paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa
3:31aking paa. Ang pagbili ng aking minindal
3:34sa katapat na tindahan. Hanggang sa
3:37hindi ko na kailangang sabihin sa kanya
3:39kung ano ang bibilhin. Alam na niya kung
3:41alin ang ibig ko, kung alin ang hindi ko
3:44totoong ibig. Isang tahimik na
3:47pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munt
3:49pangit na batang ito at sa akin. Sa tuw
3:52akong mangangailangan ng anuman, naroon
3:55na siya agad. Sa tuwing may mga bagay na
3:57gagawin, naroon na siya upang gumawa at
4:01unti-unti kong nadamang siya'y
4:03lumiligaya sa paggawa ng maliliit na
4:05bagay para sa akin. Sa pagkaalam na may
4:08pagmamalasakit ako sa kanya at may
4:11pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko na
4:13siyang nagpapadula sa pagitan ng mga
4:15hanay ng upuan hanggang sa
4:17magkahiga-higa sa likuran ng silid.
4:20Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan
4:22umaakyat sa mga puok na ipinagbabawal.
4:25nagkakandirit hanggang sa tindahang
4:27bilihan ng aking minindal at minsan o
4:31makalawa ko siyang nahuling
4:32nagpapalipat-lipat sa pagtapak sa mga
4:35upuan at kung ang lahat ay wala na
4:38kinakausap ko siya at sumasagot siya ng
4:40pag-alil sa tagalog at sa mga ganoong
4:43pagkakatao'y nagmumukha siyang maligaya
4:46at ang kanyang goodbye teacher sa may
4:49pintuan ay tumataginting sa mga ganoong
4:52pagkakatao'y naiiwan sa akin ang kanyang
4:55katiyakang siya'y hindi na totoong
4:57napag-iisa at hindi na totoong
5:00nalulumbay.
5:02Isang mabagal na paraan ang pag-akip na
5:05iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y
5:07mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal.
5:11Napasuot na siya sa mga kaguluhang
5:13bahagi ng buhay ng bawat bata. Nanukso
5:16na siya sa mga batang babae.
5:19Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo
5:22siyang naging maalala at mapagmahal.
5:24Maligaya na siya. Isang araw nangyari
5:28ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa
5:31mga taong nagdaay, naamin ko sa sariling
5:34ang lahat ng iyo'y aking kasalanan.
5:37Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga
5:40pa at ang hindi ko dapat gawin ay aking
5:43ginawa. Napatangay ako sa bugso ng
5:46damdamin.
5:48Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang
5:50ginawa ng batang iyon na aking
5:52ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang
5:54ngayon ay ang matindi kong galit sa
5:57kanya. Ang pagsasalita ko sa kanyang
5:59ipinanliit niya sa kanyang upuan.
6:02Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang
6:05kanyang kalumbayan, ang mabagal na
6:08paraan ng pag-akit at pagtiyak sa
6:10kanyang siya'y mahalaga at minamahal.
6:13Nang hapong iyo'y hindi siya nagpadulas
6:16sa pagitan ng mga hanay ng upuan. ngunit
6:19siya'y nagtungo sa huling upuan upang
6:21kunin ang aking tsinelas upang
6:23paghiwalayin ang mga iyon at itapat sa
6:26aking mga paa. Nagtungo siya sa
6:28tindahang katapat upang bilhin ang aking
6:31minindal at nagpaiwan siya upang likumin
6:34ang mga kagamitan sa paglilinis at upang
6:36ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa
6:38sulok. Pinagpantay-pantay rin niya ang
6:41mga upuan sa bawat hanay gaya ng kanyang
6:44kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin
6:46sa akin minsan man lamang ng hapong
6:49iyon. Naisip ko na pupuot siya sa akin
6:52sa munti niyang puso'y kinapupuotan niya
6:55ako ng pagkapuot ng kasingtibay ng
6:58pagmamahal na iniukol niya sa akin
7:00nitong mga huling buwan. Ang isa mang
7:03batang namulat sa pag-iisa at sa
7:05kalumbayan ng pag-iisa't kawalan ng
7:07pagmamahal ay makaalam din sa kawalan ng
7:10katarungan. Ngayo'y paalis na siya. Ang
7:13naisip ko nang may kapaitan sa puso.
7:17Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan
7:20na tila may binubuong kapasyahan sa
7:22kanyang loob. Nagtungo siya sa pintuan
7:24at ang kanyang mga yabag ay mabibigat na
7:27tila sa isang matandang pagod. Sa loob
7:30ng maraming buwan, ngayon lamang siya
7:32hindi lumingon upang magsabi ng goodbye
7:35teacher. Lumabas siya ng tahimik at ang
7:38kanyang mabibigat na yabag ay lumayo ng
7:40lumayo. Ano ang ginawa kong ito? Ano ang
7:44ginawa kong ito? Ito ang tinatanong ko
7:47ng paulit-ulit sa aking sarili. Napupuot
7:50siya sa akin at ito'y sinabi ko rin ng
7:53paulit-ulit sa aking sarili. Bukas
7:57marahil kung pagpipilitan ko bukas.
8:00Biglang-bigla ang maitim at pipis na
8:02mukha ng batang nakita ko sa pintuan.
8:05Ang mga mata niyang nakipagsalubungan sa
8:08aking may nagugulumihan ng tingin.
8:11"Goodbye, teacher." Ang sabi niya
8:14pagkatapos ay umalis na siya.
8:17Nagbalik siya upang sabihin iyon sa
8:19akin. Kung gaano katagal ako noon sa
8:22pagkakaupo ay hindi ko na magunita
8:25ngayon. Ang tangi kong nagugunita ay ang
8:28pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng
8:31bunting batang yaon. Sa nakatitinag na
8:34kariktan ng kanyang kaluluwa. ng
8:36sandaling ya.